Sino ang Gumawa ng mga Batas ng Uniberso?
Sino ang Gumawa ng mga Batas ng Uniberso?
“NALALAMAN mo ba ang mga batas ng langit?” (Job 38:33) Nang itanong ito ng Diyos kay Job, tinutulungan Niya ang naguguluhang si Job na maunawaan na talagang kakaunti lang ang kaalaman ng tao kumpara sa walang-hanggang karunungan ng Maylalang. Ano ang masasabi mo sa paghahambing na ito?
Napakarami nang natutuhan ang mga tao tungkol sa mga batas ng pisikal na langit pero aminado pa rin ang karamihan sa mga siyentipiko na marami pa silang dapat matutuhan. Sa tuwing may bago silang natutuklasan, kailangang pag-isipang muli ng mga siyentipiko ang mga nauna nilang teoriya tungkol sa uniberso. Dahil sa mga bagong natutuklasan ng mga siyentipiko, hindi na ba maituturing na makatuwiran ang tanong ng Diyos kay Job? O mas lalo lang nitong pinatutunayan na si Jehova ang Awtor ng mga batas ng uniberso?
Ang Bibliya ay naglalaman ng kapansin-pansing pananalita na tutulong para masagot ang mga tanong na iyan. Totoo, ang Bibliya ay hindi naman isang aklat sa siyensiya. Pero kapag may binabanggit ito tungkol sa uniberso, lagi itong tumpak at kadalasan nang libu-libong taon nang isinulat bago pa man matuklasan ng mga tao.
Mga Paliwanag Noon Tungkol sa Uniberso
Makatutulong kung babalikan natin ang ikaapat na siglo B.C.E., mga isang siglo matapos isulat ang Lumang Tipan, o Hebreong Kasulatan. Nang panahong iyon, ang Griegong pilosopong si Aristotle ay nagtuturo sa pinakamagagaling na iskolar may kinalaman sa uniberso. Sa ngayon, itinuturing pa rin siyang isa sa pinakamaiimpluwensiyang siyentipiko na nabuhay kailanman. (Tingnan ang kahon sa pahina 25.) Ayon sa Encyclopædia Britannica, “Si Aristotle ang kauna-unahang tunay na siyentipiko sa kasaysayan. . . . Lahat ng siyentipiko ay may utang na loob sa kaniya.”
Si Aristotle ay maingat na gumawa ng isang modelo ng kosmos. Ayon dito, ang Lupa ay nasa sentro ng uniberso na binubuo ng mahigit 50 malakristal at susun-suson na mga sphere. Nasa pinakalabas na sphere ang mga bituin, samantalang ang ibang mga planeta naman ay nasa sphere na mas malapit sa Lupa. Maliban sa Lupa, ang lahat ay nananatili magpakailanman at di-nagbabago. Sa ngayon, maaaring kakatwa ang mga ideyang ito pero mga 2,000 taóng naimpluwensiyahan ng turong ito ang mga siyentipiko.
Pero kumusta ang mga turo ni Aristotle kumpara sa mga turo ng Bibliya? Alin kaya ang napatunayang totoo? Isaalang-alang natin ang tatlong tanong tungkol sa mga batas ng uniberso. Ang mga sagot ay tutulong sa atin na magkaroon ng matibay na pananampalataya sa Awtor ng Bibliya, ang gumawa ng mga “batas ng langit.”—Job 38:33.
1. Hindi ba Nagbabago ang Uniberso?
Sinasabi ni Aristotle na ang mga sphere sa uniberso ay hindi nagbabago. Ang sphere na kinalalagyan ng mga bituin, tulad din ng iba, ay hindi lumiliit o lumalaki.
Ganiyan din ba ang sinasabi Isaias 40:22. *
ng Bibliya? Hindi; walang tuwirang sinasabi ang Bibliya hinggil dito. Pero pansinin ang paglalarawang ito: “May Isa na tumatahan sa ibabaw ng bilog ng lupa, na ang mga nananahanan doon ay gaya ng mga tipaklong, ang Isa na nag-uunat ng langit na gaya ng manipis na gasa, na naglaladlad nito na parang isang toldang matatahanan.”—Alin ang mas tumutugma sa paliwanag ng siyensiya ngayon—ang modelong ginawa ni Aristotle o ang paglalarawan ng Bibliya? Ano ba ang uniberso ayon sa paliwanag ng cosmology? Sa ika-20 siglo, namangha ang mga astronomo nang malaman nilang ang uniberso ay nagbabago. Sa katunayan, lumilitaw na ang mga galaksi ay mabilis na lumalayo sa isa’t isa. Iilang siyentipiko lang noon, kung mayroon man, ang nag-isip na lumalawak ang uniberso. Sa ngayon, karamihan na ng mga cosmologist ay naniniwalang isang kumpol lang ang uniberso noong pasimula. At pagkatapos ay lumawak na ito mula noon. Sa gayon, para na ring sinasabi ng siyensiya na hindi makatuwiran ang modelo ni Aristotle.
Kumusta naman ang sinasabi ng Bibliya? Isip-isipin noon si propeta Isaias habang nakatingala sa mabituing langit na para sa kaniya ay mistulang nakaladlad na tolda. * Maaaring napansin pa nga niya na ang Milky Way ay maihahalintulad sa “manipis na gasa.”
Hinihimok tayo ng mga salita ni Isaias na gumawa ng paglalarawan sa ating isipan. Maaaring maisip natin ang isang tolda noong panahon ng Bibliya; marahil ay isang matibay na telang
nakabilot na inilaladlad para maitali sa mga poste at maging tahanan. Baka maisip din natin ang isang negosyante na naglaladlad ng isang nakabilot na gasa para masuri ito ng kaniyang mamimili. Sa dalawang paglalarawang ito, may isang bagay na nakabilot na inilaladlad at nagiging malaki sa ating paningin.Pero hindi naman natin sinasabi na ang magandang paglalarawang ito ng Bibliya ay isang paliwanag hinggil sa paglawak ng pisikal na uniberso. Gayunman, hindi ba’t kahanga-hanga na ang paglalarawan ng Bibliya tungkol sa uniberso ay tugmang-tugma sa paliwanag ng modernong siyensiya? Si Isaias ay nabuhay mahigit tatlong siglo bago ang panahon ni Aristotle at daan-daang taon bago nakapaglabas ng ebidensiya ang siyensiya tungkol sa paglawak ng uniberso. Pero ang paglalarawang isinulat ng Hebreong propetang ito ay hindi kailangang irebisa, di-gaya ng modelong ginawa ni Aristotle.
2. Paano Nananatili sa Kalawakan ang mga Bagay sa Kalangitan?
Para kay Aristotle, ang uniberso ay siksik na siksik. Ang planetang Lupa at ang atmospera nito ay binubuo ng apat na elemento—lupa, tubig, hangin, at apoy. Ang palibot naman nito ay punung-puno ng malakristal na mga sphere, na binubuo ng di-nagbabagong substansiyang tinatawag na ether. Ang mga bagay sa kalangitan ay nakakabit sa di-nakikitang mga sphere. Sa loob ng mahabang panahon, ang karamihan sa mga siyentipiko ay sang-ayon sa ideya ni Aristotle dahil parang kaayon naman ito ng isang saligang palagay: Ang isang bagay ay dapat na nakapatong o nakakabit sa iba para hindi ito mahulog.
Pero ano naman ang sinasabi ng Bibliya? Mababasa rito ang sinabi ng tapat na lalaking si Job tungkol kay Jehova: “Ibinibitin [Niya] ang lupa sa wala.” (Job 26:7) Malamang na pagtatawanan ni Aristotle ang ideyang ito.
Noong ika-17 siglo C.E., mga 3,000 taon makalipas ang panahon ni Job, pinaniniwalaan pa rin na ang uniberso ay punung-puno, pero hindi ng malakristal na mga sphere, kundi ng isang uri ng fluid. Pero bago magtapos ang siglong iyon, nagharap ang physicist na si Sir Isaac Newton ng isang ideya na ibang-iba. Sinabi niya na ang grabidad ang dahilan ng atraksiyon sa pagitan ng mga bagay sa kalangitan. Malapit na noong matuklasan ni Newton na ang Lupa at ang iba pang bagay sa kalangitan ay nakabitin sa kawalan, o sa “wala.”
Ang teoriya ni Newton tungkol sa grabidad ay tinuligsa ng marami. Hindi sila makapaniwala na ang napakalaking planetang Lupa o ang mga bituin at iba pang bagay sa kalangitan ay nakabitin lang sa wala. Para naman sa iba, ang ideyang ito ay supernatural. Mula pa noong panahon ni Aristotle, naniniwala na ang karamihan sa mga siyentipiko na ang uniberso ay punung-puno.
Siyempre pa, walang ideya si Job tungkol sa di-nakikitang puwersa kung kaya nakaiikot ang Lupa sa araw. Kung gayon, bakit niya nasabing nakabitin “sa wala” ang ating planeta?
Job 38:31) Gabi-gabi, nakikita ni Job ang pamilyar na mga grupo ng bituin. * Bakit hindi nagbabago ang mga ito sa paglipas ng mga taon, o mga dekada pa nga? Ano ang mga “bigkis” na nagpapanatili sa mga bituing ito, at sa lahat ng bagay sa kalangitan, sa kani-kanilang puwesto? Tiyak na ikinamangha ito ni Job!
Karagdagan pa, kung ang Lupa ay talagang nakabitin sa wala, may isa pang tanong na bumabangon: Paano nananatili sa kani-kanilang landas ang Lupa at ang iba pang bagay sa kalangitan? Pansinin ang pananalita ng Diyos kay Job: “Maitatali mo bang mahigpit ang mga bigkis ng konstelasyon ng Kima, o makakalag mo ba ang mga panali ng konstelasyon ng Kesil?” (Kung ang mga bituin ay nakakabit sa mga sphere, hindi na kailangan ang gayong mga “bigkis.” Pagkalipas pa ng daan-daang taon bago natuklasan ng mga siyentipiko ang tungkol sa di-nakikitang “bigkis” o “panali” na nagpapanatili sa mga bagay sa kalangitan habang binabagtas ng mga ito ang kalawakan. Sina Isaac Newton at Albert Einstein ay naging popular dahil sa kanilang mga natuklasan tungkol dito. Siyempre, walang alam si Job tungkol sa mga puwersang ginamit ng Diyos para bigkisin ang mga bagay sa kalangitan. Pero pagkalipas ng daan-daang taon, napatunayang totoo ang isinulat sa aklat ng Job at hindi ang ideya ng matalinong si Aristotle. Tiyak na ang Tagapagbigay-batas lamang ang may gayong kaunawaan!
3. Nananatili o Nasisira?
Naniniwala si Aristotle na napakalaki ng pagkakaiba ng langit at ng Lupa. Sinasabi niyang ang Lupa ay nagbabago at nasisira samantalang ang ether na bumubuo sa mabituing kalangitan ay di-nagbabago at nananatili magpakailanman. Sinabi rin niyang ang malakristal na mga sphere at ang mga bagay sa kalangitan na nakakabit sa mga ito ay hindi kailanman magbabago o masisira.
Iyan ba ang itinuturo ng Bibliya? Mababasa natin sa Awit 102:25-27: “Noong sinaunang panahon ay inilatag mo ang mga pundasyon ng lupa, at ang langit ay gawa ng iyong mga kamay. Sila ay maglalaho, ngunit ikaw ay mananatiling nakatayo; at tulad ng isang kasuutan ay maluluma silang lahat. Tulad ng pananamit ay papalitan mo sila, at matatapos ang kanilang kapanahunan. Ngunit ikaw ay gayon pa rin, at ang iyong sariling mga taon ay hindi matatapos.”
Pansinin ang sinabi ng salmistang ito na sumulat mga dalawang siglo bago ang panahon ni Aristotle. Ayon sa kaniya, hindi magkaiba ang Lupa at ang mabituing kalangitan na para bang ang Lupa ay nasisira at ang mga bituin ay hindi. Sa halip, ang langit at ang Lupa ay pareho niyang inihambing sa Diyos, ang makapangyarihang Espiritu na lumalang sa mga ito. * Ipinahihiwatig ng salmista na ang mga bituin ay nasisira ding gaya ng Lupa. Ano naman ang natuklasan ng siyensiya sa ngayon?
Pinatutunayan ng Geology ang sinasabi ng Bibliya at ni Aristotle na ang Lupa ay nasisira. Sa katunayan, ito ay patuloy na nagbabago dahil sa proseso ng erosyon, pagputok ng mga bulkan, at paggalaw sa ilalim ng lupa.
Kumusta naman ang mga bituin? Ang mga ito rin ba ay nasisira gaya ng ipinahihiwatig ng Bibliya, o nananatili magpakailanman gaya ng itinuro ni Aristotle? Noong ika-16 na siglo C.E., nagsimulang magduda ang mga astronomong Europeo sa ideyang ito ni Aristotle. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakasaksi sila ng isang supernova, ang kahanga-hangang pagsabog ng isang bituin. Mula noon, naobserbahan ng mga * Talagang kahanga-hanga na ang isinulat ng salmistang ito ay kaayon na kaayon ng mga natuklasan sa ating modernong panahon.
siyentipiko na ang mga bituin ay maaaring biglang mamatay dahil sa gayong pagsabog o unti-unting mamatay dahil sa pagkaubos ng enerhiya o basta na lang maglaho. Pero natuklasan din ng mga astronomo na may mga bagong bituin namang nabubuo sa mga ulap ng gas mula sa sumabog na mga bituin. Kaya tamang-tama ang paglalarawan dito ng manunulat ng Bibliya nang itulad niya ito sa isang kasuutang naluluma at pinapalitan.Baka maitanong mo rin: ‘Itinuturo ba ng Bibliya na darating ang araw na maglalaho o kakailanganing palitan ang Lupa o ang mabituing kalangitan?’ Hindi, ipinangangako ng Bibliya na mananatili ang mga ito magpakailanman. (Awit 104:5; 119:90) Pero hindi sa ganang-sarili ng mga nilalang na ito, kundi sa pamamagitan ng pagsusustine ng Diyos na lumalang sa mga ito. (Awit 148:4-6) Hindi niya sinabi kung paano, pero makatuwiran lang na maniwala tayong kaya niyang sustinihan ang mga ito dahil siya ang lumalang sa uniberso. Hindi ba’t mamantinihin ng isang mahusay na tagapagtayo ang bahay na itinayo niya para sa kaniya at sa kaniyang pamilya?
Sino ang Dapat Luwalhatiin at Parangalan?
Ang pagsasaalang-alang sa ilang batas ng uniberso ay malaking tulong para masagot ang tanong na iyan. Kapag iniisip natin kung sino ang nagsabog ng mga bituin sa kalangitan, kung sino ang nagpapanatili ng mga ito sa kanilang puwesto sa pamamagitan ng grabidad, at kung sino ang sumusustini sa kanila, hindi ba’t namamangha tayo?
Marahil ang ating pagkamangha ay katulad ng mababasa natin sa Isaias 40:26: “Itingin ninyo ang inyong mga mata sa itaas at masdan. Sino ang lumalang ng mga bagay na ito? Iyon ang Isa na naglalabas sa hukbo nila ayon sa bilang, na lahat sila ay tinatawag niya ayon sa pangalan.” Ang mga bituin ay itinulad sa isang hukbo, na binubuo ng napakaraming sundalo. Kung walang mga utos mula sa kumandante, tiyak na magkakagulo ang hukbo. Kung walang mga batas mula kay Jehova, magkakagulo rin ang mga planeta, bituin, at mga galaksi. Pero hindi ganiyan ang nangyayari. Ang hukbo ng bilyun-bilyong bituin ay may Kumandanteng nag-uutos sa mga ito at alam na alam din niya ang pangalan, puwesto, at kalagayan ng bawat sundalo niya!
Ang mga batas ng uniberso ay patikim lang sa walang-hanggang karunungan ng Kumandanteng ito. Sino pa nga ba ang gumawa ng mga batas na ito at nagpasulat nito sa Bibliya mga daan-daan o libu-libong taon bago pa ito matuklasan ng siyensiya? Oo, nararapat lamang na ibigay kay Jehova ang lahat ng ‘kaluwalhatian at karangalan.’—Apocalipsis 4:11.
[Mga talababa]
^ par. 11 Kapansin-pansin na sinasabi ng Bibliya na ang Lupa ay bilog, o sphere, gaya ng puwedeng maging salin ng Hebreong salita para dito. Ipinalagay ni Aristotle at ng iba pang Griego na ang Lupa ay pabilog, pero pinagdebatehan pa rin ito sa loob ng daan-daang taon.
^ par. 13 Paulit-ulit na ginamit sa Bibliya ang metaporang ito.—Job 9:8; Awit 104:2; Isaias 42:5; 44:24; 51:13; Zacarias 12:1.
^ par. 22 Ang “konstelasyon ng Kima” ay maaaring tumutukoy sa grupo ng mga bituin na Pleiades. Ang “konstelasyon ng Kesil” naman ay malamang na tumutukoy sa konstelasyon ng Orion. Libu-libong taon ang kailangang lumipas bago magkaroon ng malaking pagbabago ang mga grupong ito ng mga bituin.
^ par. 27 Dahil ginamit ni Jehova ang kaniyang bugtong na Anak bilang “dalubhasang manggagawa” para lalangin ang lahat ng bagay, maaari ding tumukoy sa Anak ang tekstong ito.—Kawikaan 8:30, 31; Colosas 1:15-17; Hebreo 1:10.
^ par. 29 Noong ika-19 na siglo, nabuo ng siyentipikong si William Thomson, kilala ring Lord Kelvin, ang second law of thermodynamics. Ayon dito, sa paglipas ng panahon, ang likas na mga sistema ay nasisira. Ang isa sa nakaimpluwensiya sa kaniyang naging konklusyon ay ang pagsusuri niya sa Awit 102:25-27.
[Kahon/Mga Larawan sa pahina 24, 25]
Napakalaking Impluwensiya
“Si Aristotle ang pinakamahusay na pilosopo at siyentipiko ng sinaunang daigdig.” Iyan ang sinabi sa aklat na The 100—A Ranking of the Most Influential Persons in History. Hindi naman mahirap isipin kung bakit ganiyan ang sinabi ng aklat tungkol sa di-pangkaraniwang taong ito. Si Aristotle (384-322 B.C.E.) ay naging estudyante ng kilalang pilosopo na si Plato at nagturo sa prinsipe na naging si Alejandrong Dakila. Ayon sa sinaunang mga talaan, si Aristotle ay sumulat ng mga 170 aklat, at 47 rito ang makikita pa rin sa ngayon. Marami siyang isinulat tungkol sa astronomiya, biyolohiya, kemistri, soolohiya, pisika, heolohiya, at sikolohiya. Ang ilan sa detalyeng inirekord niya tungkol sa nabubuhay na mga bagay ay napakatagal na niyang napag-aralan bago pa man naobserbahan ng iba. “Napakalaki ng impluwensiya ni Aristotle sa lahat ng naging turo sa Kanluran,” ang sabi ng The 100. Pero idinagdag nito: “Gayon na lang katindi ang naging paghanga kay Aristotle anupat noong huling bahagi ng Edad Medya, halos sambahin na siya.”
[Credit Lines]
Royal Astronomical Society/Photo Researchers, Inc.
Mula sa aklat na A General History for Colleges and High Schools, 1900
[Larawan sa pahina 26, 27]
Dahil sa grabidad, nananatili sa kani-kanilang puwesto ang mga bagay sa kalangitan
[Credit Line]
NASA and The Hubble Heritage Team (AURA/STScl)
[Larawan sa pahina 26, 27]
Grupo ng mga bituin na Pleiades
[Larawan sa pahina 28]
Ang ilang bituin ay nagiging supernova
[Credit Line]
ESA/Hubble
[Larawan sa pahina 28]
Nabubuo ang mga bagong bituin sa mga ulap ng gas
[Credit Line]
J. Hester and P. Scowen (AZ State Univ.), NASA
[Picture Credit Line sa pahina 24]
© Peter Arnold, Inc./Alamy