Ibinunyag Na Kung Sino ang Lihim na Namamahala sa Daigdig
Ibinunyag Na Kung Sino ang Lihim na Namamahala sa Daigdig
MINSAN ay sinabi ni Jesus, “palalayasin ang tagapamahala ng sanlibutang ito.” Nang maglaon, sinabi rin niyang ‘walang kapangyarihan sa kaniya ang tagapamahala ng sanlibutan’ at “ang tagapamahala ng sanlibutang ito ay hinatulan na.” (Juan 12:31; 14:30; 16:11) Sino ang tinutukoy ni Jesus?
Sa mga sinabing iyan ni Jesus tungkol sa “tagapamahala ng sanlibutang ito,” maliwanag na hindi ang kaniyang Ama, ang Diyos na Jehova, ang tinutukoy niya. Kung gayon, sino ang “tagapamahala ng sanlibutang ito”? Paano siya “palalayasin,” at paano siya “hinatulan”?
Ipinakilala ng “Tagapamahala ng Sanlibutang Ito” ang Kaniyang Sarili
Karaniwan nang ipinagyayabang ng isang lider ng sindikato ang kapangyarihan niya. Ganiyan din ang ginawa ng Diyablo nang tuksuhin niya si Jesus, ang Anak ng Diyos. Matapos ipakita ni Satanas kay Jesus “ang lahat ng mga kaharian” sa daigdig, sinabi niya kay Jesus: “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng awtoridad na ito at ang kaluwalhatian nila, sapagkat ibinigay na sa akin, at sa kaninumang nais ko ay ibinibigay ko ito. Ikaw, kung gayon, kung gagawa ka ng isang gawang pagsamba sa harap ko ay magiging iyong lahat ito.”—Lucas 4:5-7.
Kung ang Diyablo ay isa lang konsepto ng kasamaan, gaya ng sinasabi ng ilan, paano ipaliliwanag ang panunuksong iyon? Si Jesus ba’y tinutukso lang ng kasamaang nasa isip niya o ng pagtatalo ng kaniyang kalooban matapos siyang mabautismuhan? Kung totoo iyan, paano masasabing “walang kasalanan sa kaniya”? (1 Juan 3:5) Sa halip na sabihin ni Jesus na walang kapangyarihan ang Diyablo sa mga tao, tinukoy niya ito bilang “tagapamahala ng sanlibutan,” anupat inilalarawan bilang “mamamatay-tao” at “sinungaling.”—Juan 14:30; 8:44.
Mahigit 60 taon matapos tuksuhin ng Diyablo si Kristo, pinaalalahanan ni apostol Juan ang mga Kristiyano hinggil sa napakalakas na impluwensiya ng Diyablo, anupat sinabi niya, “ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng isa na balakyot.” Ang isang iyon, ang sabi pa ni Juan, ay “nagliligaw sa buong tinatahanang lupa.” (1 Juan 5:19; Apocalipsis 12:9) Maliwanag na binabanggit sa Bibliya ang isang di-nakikitang espiritu bilang “tagapamahala ng sanlibutan.” Pero gaano kaya kalawak ang impluwensiya niya sa mga tao?
Binibigyan ng Kapangyarihan ng Tagapamahala ng Sanlibutan ang mga Kampon Niya
Nang sumulat si apostol Pablo tungkol sa pakikipaglaban ng mga Kristiyano para sa pananampalataya, malinaw niyang tinukoy ang kanilang pinakamasasamang kaaway. “Tayo ay may pakikipagbuno,” ang tuwiran niyang sinabi, “hindi laban sa dugo at laman, kundi laban sa mga pamahalaan, laban sa mga awtoridad, laban sa mga tagapamahala ng sanlibutan ng kadilimang ito, laban sa balakyot na mga puwersang espiritu sa makalangit na mga dako.” (Efeso 6:12) Kaya ito ay hindi pakikipaglaban sa mga tao, yamang sinabing ito’y “hindi laban sa dugo at laman,” kundi laban sa “balakyot na mga puwersang espiritu.”
Ayon sa pinakamodernong mga bersiyon ng Bibliya, ang “balakyot na mga puwersang espiritu” na binabanggit dito ay hindi tumutukoy sa isang konsepto ng kasamaan, kundi sa masasamang espiritung persona. Isinalin ito ng ilang bersiyon bilang “ang espirituwal na mga hukbo ng kabalakyutan sa makalangit na mga dako” (Revised Standard Version), “ang espirituwal na hukbo ng kasamaan sa langit” (The Jerusalem Bible), at “ang nakahihigit-sa-taong mga puwersa ng kasamaan sa langit” (The New English Bible). Kaya ginagamit ng Diyablo ang kaniyang kapangyarihan sa pamamagitan ng ibang rebeldeng mga anghel na nag-iwan ng Judas 6.
“kanilang sariling wastong tahanang dako” sa langit.—Isinisiwalat ng makahulang aklat ng Bibliya na Daniel kung paanong noon pa man ay kinokontrol na ng ‘mga tagapamahala ng sanlibutang’ ito ang daigdig. Dahil talagang nag-aalala sa kalagayan ng mga kapuwa niya Judiong bumalik sa Jerusalem noong 537 B.C.E. mula sa pagkatapon sa Babilonya, ipinanalangin sila ni propeta Daniel sa loob ng tatlong linggo. Ang anghel na isinugo ng Diyos para patibayin ang propeta ay nagpaliwanag kung bakit hindi siya agad nakarating. Sinabi niya: “Ang prinsipe ng kaharian ng Persia ay nakatayong sumasalansang sa akin sa loob ng dalawampu’t isang araw.”—Daniel 10:2, 13.
Sino ang ‘prinsipeng ito ng Persia’? Tiyak na hindi si Ciro na hari ng Persia dahil pabor ito noon kay Daniel at sa bayan ng propeta. Isa pa, mapipigilan ba ng isang taong hari ang isang espiritung nilalang sa loob ng tatlong linggo samantalang kaya nga ng isang anghel na pumatay ng 185,000 magigiting na sundalo sa loob lang ng isang gabi? (Isaias 37:36) Ang malupit na ‘prinsipeng ito ng Persia’ ay walang iba kundi isang kampon ng Diyablo, samakatuwid nga, isang demonyo na binigyan ng kontrol sa teritoryo ng Imperyo ng Persia. Ayon pa sa ulat, binanggit ng anghel ng Diyos na makikipaglaban siyang muli sa “prinsipe ng Persia” at sa isa pang demonyong prinsipe, ang ‘prinsipe ng Gresya.’—Daniel 10:20.
Ano ang puwede nating maging konklusyon mula rito? Maliwanag na may di-nakikitang “mga tagapamahala ng sanlibutan,” mga demonyong prinsipe na kumokontrol din sa daigdig sa ilalim ng awtoridad ng kanilang pinuno, si Satanas na Diyablo. Pero ano ba ang kanilang layunin?
Ipinakita Na ng Tagapamahala ng Sanlibutan Kung Sino Talaga Siya
Sa huling aklat ng Bibliya, ang Apocalipsis, binanggit ni apostol Juan kung paano tinalo ni Jesus, bilang Miguel na arkanghel, ang Diyablo at ang mga demonyo nito. Sinabi rin niya ang masasaklap na resulta ng pagpapalayas sa mga ito mula sa langit. Mababasa natin: “Sa aba ng lupa . . . sapagkat ang Diyablo ay bumaba na sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam na mayroon na lamang siyang maikling yugto ng panahon.”—Apocalipsis 12:9, 12.
Paano ipinakikita ng Diyablo ang kaniyang malaking galit? Kung paanong sinusunod ng maraming desperadong kriminal ang patakarang ‘mamahala o magpahamak,’ desidido ang Diyablo at ang kaniyang mga demonyo na idamay sa kanilang pagkapahamak ang lupa pati na ang mga naninirahan dito. Dahil alam niyang maikli na ang kaniyang panahon, ginagamit ng Diyablo ang isa sa pangunahing bahagi ng lipunan ng tao na nasa kaniyang kontrol—ang komersiyo—para itaguyod ang espiritu ng konsumerismo, na siyang dahilan ng pagkaubos ng likas na yaman ng mundo at pagkasira ng kalikasan, anupat nagiging banta sa buhay ng mga tao.—Apocalipsis 11:18; 18:11-17.
Sa simula pa lang ng kasaysayan ng tao, nakikita na rin sa pulitika at relihiyon ang pagkauhaw ng Diyablo sa kapangyarihan. Inilalarawan ng aklat ng Apocalipsis ang pulitikal na mga kapangyarihan bilang mababangis na hayop na binigyan ng Diyablo ng “dakilang awtoridad.” Inilalarawan din nito ang kahiya-hiyang sabuwatan ng pulitika at relihiyon bilang kasuklam-suklam na espirituwal na pakikiapid. (Apocalipsis 13:2; 17:1, 2) Isipin ang pang-aapi, pang-aalipin, digmaan, at ang alitan ng mga etnikong grupo sa nakalipas na mga siglo na naging dahilan ng pagkamatay ng milyun-milyong tao. Mayroon bang sinumang makapagsasabi na ang kahindik-hindik at nakapangingilabot na mga pangyayaring ito sa kasaysayan ay mga gawa lang ng tao? O ang mga ito ay resulta ng pagkontrol ng di-nakikita at napakasasamang espiritung nilalang?
Ipinakikilala ng Bibliya kung sino talaga ang kumokontrol sa mga tagapamahalang tao at sa mga makapangyarihang bansa sa daigdig. Alam man nila o hindi, nakikita sa lipunan ng tao ang personalidad ng tagapamahala nito at ang patakaran nitong ‘mamahala o magpahamak.’ Pero gaano katagal magdurusa ang mga tao sa ilalim ng pamamahala ng Diyablo?
Ang Wakas ng Diyablo
Ang mga ginawa ni Kristo sa lupa noong unang siglo ay nagpahiwatig na malapit nang puksain ang Diyablo at ang kaniyang mga demonyo. Lucas 10:18) Makikita sa mga salitang ito ang pagsasaya ni Jesus sa magiging tagumpay niya laban sa tagapamahala ng sanlibutan kapag bumalik na siya sa langit bilang si Miguel na arkanghel. (Apocalipsis 12:7-9) Ang masusing pag-aaral sa mga hula ng Bibliya ay nagpapakitang naganap ang tagumpay na iyan sa langit noong 1914 o di-nagtagal pagkaraan nito. *
Nang ikuwento ng mga alagad ni Jesus kung paano sila nagpalayas ng mga di-nakikitang demonyo, sinabi ni Jesus: “Namamasdan ko na si Satanas na nahulog na tulad ng kidlat mula sa langit.” (Mula noon, alam na ng Diyablo na maikli na lang ang natitira niyang panahon bago siya puksain. Bagaman ang ‘buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan niya,’ milyun-milyon pa rin sa ngayon ang hindi nailigaw ng kaniyang desperadong pagsisikap na kontrolin sila. Ibinunyag ng Bibliya sa kanila kung sino siya at ang kaniyang mga pakana. (2 Corinto 2:11) Umaasa sila sa sinabi ni Pablo sa kapuwa niya mga Kristiyano: “Ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan ang dudurog kay Satanas sa ilalim ng inyong mga paa sa di-kalaunan.” *—Roma 16:20.
Malapit na ang wakas ng Diyablo! Sa ilalim ng maibiging pamamahala ni Kristo, ang makasagisag na tuntungan ng Diyos, ang lupa, ay gagawing paraiso ng matuwid na mga tao. Mawawala na magpakailanman ang karahasan, poot, at kasakiman. “Ang mga dating bagay ay hindi aalalahanin,” ang sabi ng Bibliya. (Isaias 65:17) Talaga ngang nakagiginhawa ito para sa lahat ng lumaya mula sa lihim na tagapamahala ng sanlibutang ito at sa kaniyang awtoridad!
[Mga talababa]
^ par. 20 Para sa higit pang detalye tungkol sa taóng iyan, tingnan ang apendise sa aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova, pahina 215-218.
^ par. 21 Ipinaaalaala ng mga salitang ito ni Pablo ang unang hula sa Bibliya sa Genesis 3:15 na tumutukoy sa pagpuksa sa Diyablo. Para ilarawan ito, gumamit si Pablo ng salitang Griego na nangangahulugang “magkawatak-watak, magkapira-piraso, magkalasug-lasog sa pamamagitan ng pagdurog.”—Vine’s Complete Expository Dictionary of Old and New Testament Words.
[Blurb sa pahina 9]
Sa ilalim ng maibiging pamamahala ni Kristo, ang lupa ay gagawing paraiso ng matuwid na mga tao