Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mayroon Bang Nasa Likod ng Lahat ng Kasamaan?

Mayroon Bang Nasa Likod ng Lahat ng Kasamaan?

Mayroon Bang Nasa Likod ng Lahat ng Kasamaan?

“NAKIPAGKAMAY ako sa diyablo.” Iyan ang sinabi ng kumander ng hukbo ng United Nations sa Rwanda habang naiisip na hindi man lang nila napigilan ang pag-uubusan ng lahi roon noong 1994. May kinalaman sa kahindik-hindik na pangyayaring iyon, ganito pa ang sinabi ng isang lalaki: “Kung may magsasabi pa rin na hindi totoo si Satanas, magkita kami sa pinaglibingan ng napakaraming pinatay sa Rwanda.” Ang gayong uri ba ng kasamaan ay gawa ng Diyablo?

Marami ang hindi naniniwalang gawa ng isang masamang espiritung nilalang ang walang-patumanggang karahasan at kalupitan. Iniisip ng marami na ang gayong mga bagay ay resulta ng likas na kasamaan ng tao at na ang pangunahing dahilan ng kasamaan ay ang ating pagiging makasarili. Ipinapalagay ng iba na isang grupo ng mayayaman at maiimpluwensiyang tao mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang ilang dekada nang lihim na nagmamanipula sa mga tao para mapamahalaan nila ang mundo. Sinisisi naman ng iba ang mga gobyerno at tagapamahala sa lahat ng nakikita nilang kawalang-katarungan at pagdurusa.

Ikaw, ano naman ang paniniwala mo? Bakit kaya laganap pa rin sa daigdig ngayon ang sobrang kasamaan, kalupitan, at pagdurusa sa kabila ng mga pagsisikap na alisin ang mga ito? Bakit tila patuloy na ipinapahamak ng mga tao ang kanilang sarili, anupat nagbibingi-bingihan sa paulit-ulit na mga babala? Mayroon bang nasa likod ng lahat ng ito? Sino nga ba talaga ang namamahala sa daigdig? Baka magulat ka sa sagot sa tanong na ito.