Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Para sa mga Kabataan

Pinaratangan!

Pinaratangan!

JOSE​—BAHAGI 2

Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mga tauhan. Gawing buháy na buháy sa iyong isipan ang kuwento.

Pangunahing mga tauhan: Jose, Potipar, at asawa ni Potipar

Sumaryo: Si Jose ay ibinilanggo kahit walang kasalanan, pero nasa panig niya si Jehova

1 PAG-ISIPAN ANG EKSENA.​—BASAHIN ANG GENESIS 39:7, 10-23.

Anong damdamin ang mahahalata mo sa boses ng asawa ni Potipar nang paratangan niya si Jose?

․․․․․

Ilarawan ang naiisip mong hitsura ng bahay-bilangguan.

․․․․․

Paano tinrato si Jose noong bago pa lang siya sa bilangguan? (Clue: Tingnan ang Awit 105:17, 18.)

․․․․․

2 PAG-ARALANG MABUTI.

Kung mahina ang pananampalataya ni Jose, anong maling konklusyon ang malamang na maisip niya habang nakabilanggo? (Clue: Tingnan ang Job 30:20, 21.)

․․․․․

Paano natin nalaman na hindi sinisi ni Jose si Jehova sa mga dinanas niyang paghihirap? (Clue: Tingnan ang Genesis 40:8; 41:15, 16.)

․․․․․

Anong mga katangian ni Jose ang nakatulong sa kaniya na matiis ang pagkabilanggo? (Clue: Basahin at pag-isipan ang sumusunod na mga teksto: Mikas 7:7; Lucas 14:11; Santiago 1:4.)

․․․․․

Anong pagsasanay ang natanggap ni Jose sa bilangguan, at paano ito nakatulong sa kaniya nang maglaon? (Clue: Tingnan ang Genesis 39:21-23; 41:38-43.)

․․․․․

3 GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .

Sa mga pakinabang ng mga matiisin.

․․․․․

Sa pagsasanay na maaari mong matanggap habang dumaranas ka ng paghihirap.

․․․․․

Sa suporta ni Jehova sa panahon ng pagsubok.

․․․․․

PARA MAGAMIT PA ANG IYONG NATUTUHAN.

Nalagay ka na rin ba sa isang sitwasyon na gulung-gulo ang isip mo at pakiramdam mo’y nag-iisa ka? Sa panahon ng pagsubok, paano makatutulong sa iyo si Jehova? (Clue: Basahin at pag-isipan ang 1 Corinto 10:13.)

․․․․․

4 ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?

․․․․․

Kung wala kang Bibliya, humiling nito sa mga Saksi ni Jehova, o basahin ito sa web site na www.watchtower.org