Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Nabiktima Ka Na ba ng Kasinungalingan?

Nabiktima Ka Na ba ng Kasinungalingan?

Nabiktima Ka Na ba ng Kasinungalingan?

ANG isa sa masasakit na karanasan sa buhay ay ang mabiktima ng kasinungalingan ng taong pinagkakatiwalaan mo. Baka mapahiya ka, magalit, o makadama pa ngang niloko ka. Ang mga kasinungalingan ay sumisira ng samahan ng mga mag-asawa at magkakaibigan. Dahil din sa mga ito, milyun-milyong dolyar ang nakukuha sa mga tao.

Kung gayon, ano kaya ang madarama mo kung malaman mong nabiktima ka ng kasinungalingan tungkol sa Diyos? Kung isa kang relihiyosong tao, napakasakit nito! Baka ganito rin ang madama mo:

● “Pakiramdam ko’y dinaya ako ng simbahan.”​—DEANNE.

● “Nagalit ako. Pakiramdam ko’y niloko ako at nawalan nang saysay ang aking mga pag-asa at pangarap.”​—LUIS.

Baka maisip mong imposibleng nabiktima ka ng kasinungalingan tungkol sa Diyos. Maaaring ang alam mo tungkol sa Diyos ay galing sa iyong mga magulang, sa isang pari, pastor, o malapít na kaibigan​—mga taong pinagkakatiwalaan mo na hindi kailanman sasadyaing saktan ka. Baka iyan na ang kinamulatan mong turo. Pero hindi ka ba sasang-ayon na kahit ang isang ideya na pinaniniwalaan ng marami ay posibleng mali? May kinalaman diyan, ganito ang sinabi ng dating presidente ng Estados Unidos na si Franklin D. Roosevelt: “Ilang beses mang ulit-ulitin ang isang kasinungalingan, hindi pa rin iyon magiging katotohanan.”

Paano mo malalaman kung nabiktima ka ng kasinungalingan? Minsan ay sinabi ni Jesus sa kaniyang panalangin sa Diyos: “Ang iyong salita ay katotohanan.” (Juan 17:17) Oo, ang Salita ng Diyos, ang Bibliya, ay naglalaman ng mga bagay na kailangan natin para matukoy kung alin ang katotohanan at ang kasinungalingan.

Tingnan kung paano isinisiwalat ng Bibliya ang lima sa karaniwang kasinungalingan tungkol sa Diyos. Makikita mo rin na maaaring mabago ng katotohanan ang iyong buhay.