Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Para sa mga Kabataan

Labanan ang Impluwensiya ng Masasamang Espiritu!

Labanan ang Impluwensiya ng Masasamang Espiritu!

Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mga tauhan. Gawing buháy na buháy sa iyong isipan ang kuwento.

1 PAG-ISIPAN ANG EKSENA.​—BASAHIN ANG GENESIS 6:1-6 AT GAWA 19:11-20.

Ilarawan ang iniisip mong hitsura ng mga Nefilim.

․․․․․

Ano sa palagay mo ang nadama ng mga lalaki matapos nilang makasagupa ang isang masamang espiritu, gaya ng inilalarawan sa Gawa 19:13-16?

․․․․․

2 PAG-ARALANG MABUTI.

Magsaliksik tungkol sa mga Nefilim. Sa palagay mo, bakit sila naging mararahas?

․․․․․

Bakit masasabing ‘iniwan ng masasamang espiritu ang kanilang sariling wastong tahanang dako’? (Basahin ang Judas 6.) Sa palagay mo, bakit hindi normal​—o napakahalay pa nga​—na kumuha sila ng mga asawang babae sa lupa?

․․․․․

Mula sa dalawang ulat na binasa mo, ano ang naunawaan mo tungkol sa pagkahilig sa sex at karahasan ng masasamang espiritu?

․․․․․

3 GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .

Sa kalupitan at kasakiman ng masasamang espiritu.

․․․․․

PARA MAGAMIT PA ANG IYONG NATUTUHAN.

Dahil hindi na puwedeng magkatawang-tao ang masasamang espiritu, anu-ano ang ginagawa nila para maimpluwensiyahan ka pa rin nila?

․․․․․

Sa anu-anong uri ng libangan ngayon makikita ang ugali at interes ng masasamang espiritu?

․․․․․

Paano mo maipakikitang determinado kang labanan ang impluwensiya ng masasamang espiritu? (Basahing muli ang Gawa 19:18, 19.)

․․․․․

4 ANONG BAHAGI NG MGA KUWENTONG ITO ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?

․․․․․

Kung wala kang Bibliya, humiling nito sa mga Saksi ni Jehova, o basahin ito sa web site na www.watchtower.org