Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ano ang Pangmalas Mo kay Jesus?

Ano ang Pangmalas Mo kay Jesus?

Para sa iyo, siya ba’y isang bagong-silang na sanggol, taong malapit nang mamatay, o dinakilang Hari?

Ipinakikita ng Bibliya na si Jesus ay isa na ngayong makapangyarihang Hari. Pero ano ang kahulugan nito para sa iyo?

Naniniwala ang marami na si Jesus ay namatay para sa kanila. Pero paanong ang kamatayan ng isang tao, na halos 2,000 taon na ang nakalipas, ay nangangahulugan ng buhay para sa iba sa ngayon?

Malugod kang inaanyayahan na pakinggan ang mga sagot mula sa Bibliya. Ang impormasyong ito ay tatalakayin sa pagtitipon ng mga Saksi ni Jehova upang alalahanin ang kamatayan ni Jesus. Sa taóng ito, ang anibersaryo ng kamatayan niya ay papatak sa Abril 5, araw ng Huwebes, pagkalubog ng araw.

Pakisuyong alamin sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar ang eksaktong oras at lugar.

Sa dulong sanlinggo pagkatapos ng pag-alaala sa kamatayan ni Jesus, ang mga Saksi ni Jehova ay maghaharap ng salig-Bibliyang pahayag na pinamagatang “Mas Malapit Na ba ang Wakas Kaysa sa Iniisip Mo?” Ang pahayag na ito ay isa sa mga tampok na bahagi ng pambuong-daigdig na pagsisikap na maabot ang lahat ng umiibig sa katotohanan at nagnanais na matuto pa nang higit tungkol kay Jesus. Ikaw ay inaanyayahang dumalo.