Para sa mga Kabataan
Isang Diyos na Napopoot sa Kawalang-Katarungan
Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mga tauhan. Gawing buháy na buháy sa iyong isipan ang kuwento.
Pangunahing mga tauhan: Ahab, Jezebel, Nabot, at Elias
Sumaryo: Sinulsulan ni Jezebel si Haring Ahab na pumatay para makuha ang isang ubasan.
1 PAG-ISIPAN ANG EKSENA.—BASAHIN ANG 1 HARI 21:1-26.
Paano mo ilalarawan ang apat na tauhan sa ulat na ito?
Ahab ․․․․․
Jezebel ․․․․․
Nabot ․․․․․
Elias ․․․․․
Anong emosyon ang nahahalata mo sa boses nina Jezebel at Ahab sa talata 5-7?
․․․․․
Ilarawan ang pangyayari sa talata 13.
․․․․․
Anong emosyon ang nahahalata mo sa boses nina Elias at Ahab sa kanilang pag-uusap na nasa talata 20-26?
․․․․․
2 PAG-ARALANG MABUTI.
Anong (mga) ugali ni Jezebel ang makikita sa talata 7 at 25?
․․․․․
Anong (mga) ugali ni Ahab ang makikita sa talata 4?
․․․․․
Para makuha ang ubasan ni Nabot, sino pa ang ipinapatay ni Ahab? (Basahin ang 2 Hari 9:24-26.)
․․․․․
Ano ang tingin ni Jehova kay Ahab? (Basahing muli ang talata 25 at 26. Tingnan din ang 1 Hari 16:30-33.)
․․․․․
3 GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .
Sa pagbibigay-pansin ni Jehova sa kawalang-katarungan.
․․․․․
Sa malasakit ni Jehova sa mga biktima ng kawalang-katarungan.
․․․․․
Sa kung paano ipinakita ni Jehova na siya ay isang Diyos ng katarungan. (Basahin ang Deuteronomio 32:4.)
․․․․․
4 PARA MAGAMIT PA ANG IYONG NATUTUHAN.
Paano ipinakikita ng ilan sa ngayon ang ugali ni Jezebel? (Basahin ang Apocalipsis 2:18-21.)
․․․․․
Sa anong mga sitwasyon ka kailangang magpakita ng lakas ng loob na katulad ng kay Elias?
․․․․․
Kapag nakakita ka o nakaranas ng kawalang-katarungan, sa ano ka nakatitiyak?
․․․․․
5 ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?
․․․․․
Mungkahi Gawing balita ang kuwentong ito at interbyuhin kunwari ang mga pangunahing tauhan at saksi.
Magpunta sa www.pr418.com
Basahin ang Bibliya online
I-download o i-print ang artikulong ito