Tanong 2: Ano ang Mangyayari Kapag Namatay Ako?
BATA pa si Roman nang mamatay ang matalik niyang kaibigan dahil sa isang aksidente sa kotse. “Talagang nalungkot ako nang mamatay ang kaibigan ko,” ang sabi niya. “Mula noon, naging palaisipan na sa akin kung ano ang nangyayari sa atin kapag tayo ay namatay.”
Bakit ito itinatanong?
Mahirap tanggaping namamatay ang mga tao. Anuman ang edad natin, hindi natin gustong mamatay. Marami ang natatakot sa mangyayari sa kanila kapag sila ay namatay.
Ano ang sinasabi ng ilan?
Naniniwala ang marami na kapag namatay ang isang tao, may bahagi siyang patuloy na nabubuhay. Naniniwala silang ginagantimpalaan sa langit ang mabubuting tao at pinarurusahan naman magpakailanman ang masasama dahil sa kanilang mga kasalanan. Iniisip naman ng iba na kapag namatay ang isang tao, hindi na ito umiiral at tuluyan nang nalilimutan.
Ano ang ipinahihiwatig niyan?
Ipinakikita ng unang sagot na ang isang taong patay ay hindi talaga namatay. Ipinahihiwatig naman ng ikalawang sagot na walang layunin ang buhay. Ang mga taong may ganiyang pananaw ay maaaring magkaroon ng saloobing ito: “Kumain tayo at uminom, sapagkat bukas ay mamamatay tayo.”—1 Corinto 15:32.
Ano ang itinuturo ng Bibliya?
Hindi itinuturo ng Bibliya na may bahagi ng isang tao na patuloy na nabubuhay kapag siya ay namatay. Ipinasulat ng Diyos kay Haring Solomon: “Batid ng mga buháy na sila ay mamamatay; ngunit kung tungkol sa mga patay, sila ay walang anumang kabatiran.” (Eclesiastes 9:5) Ang mga “walang anumang kabatiran” ay walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa kanilang paligid. Wala silang nararamdaman o nagagawa. Kaya ang mga patay ay hindi makatutulong o makapananakit sa mga buháy.
Di-tulad ng paniniwala ng marami, hindi nilayon ng Diyos na mamatay ang mga tao. Nilalang niya ang unang taong si Adan na may pag-asang mabuhay magpakailanman sa lupa. Binanggit lang ng Diyos ang kamatayan nang sabihin niya kay Adan ang tungkol sa kaparusahan Genesis 2:17) Kung naging masunurin lang sana sina Adan at Eva, sila at ang kanilang mga inapo na tapat sa Diyos ay mabubuhay sana magpakailanman sa lupa.
kung ito ay susuway. Pinagbawalan Niya si Adan na kainin ang bunga ng isang punungkahoy at saka nagbabala na kung kakainin niya iyon, “tiyak na mamamatay” siya. (Binale-wala ni Adan ang babala ng Diyos. Nagkasala siya nang suwayin niya ang Diyos, kaya namatay siya. (Roma 6:23) Walang bahagi ni Adan ang patuloy na umiral pagkamatay niya. Sa halip, nang mamatay si Adan, hindi na siya umiral. Sinabi ng Diyos kay Adan: “Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay hanggang sa ikaw ay bumalik sa lupa, sapagkat mula riyan ka kinuha. Sapagkat ikaw ay alabok at sa alabok ka babalik.” (Genesis 3:19) Dahil ang lahat ng tao ay nagmula kay Adan, nagmana tayo sa kaniya ng kasalanan at kamatayan.—Roma 5:12.
Kahit sumuway si Adan, tutuparin pa rin ng Diyos ang layunin Niyang punuin ang lupa ng perpektong mga inapo ni Adan. (Genesis 1:28; Isaias 55:11) Hindi na magtatagal, bubuhaying muli ni Jehova ang karamihan ng namatay. Sinabi ni apostol Pablo: “Magkakaroon ng pagkabuhay-muli kapuwa ng mga matuwid at mga di-matuwid.”—Gawa 24:15.
Si Roman na binanggit sa simula ay nag-aral ng Bibliya. Natutuhan niya ang itinuturo nito tungkol sa kamatayan at sa Diyos na Jehova. Napakalaki ng naging epekto niyan sa buhay niya. Basahin ang kaniyang kuwento sa artikulong “Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay”.