Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ano ba Talaga ang Diwa ng Pasko?

Ano ba Talaga ang Diwa ng Pasko?

“Madali tayong mahawa sa pagiging abala ng mga tao dahil sa okasyon. Nagiging obligasyon na ang pagsunod sa mga tradisyon, at dahil sa dami ng dapat gawin, nababawasan ang panahon sa pamilya at mga kaibigan. Kung minsan, sa halip na maging masaya, nai-stress tayo.”​—BRAD HENRY, DATING GOBERNADOR NG OKLAHOMA [E.U.A.], DISYEMBRE 23, 2008.

HABANG papalapít ang Kapaskuhan, damang-dama ang diwa nito sa mga awitin, pelikula, at mga programa sa TV. Sa palagay mo, ano ba talaga ang diwa ng Pasko?

  • Pag-alaala kay Jesu-Kristo

  • Panahon ng pagbibigayan

  • Pagtulong sa nangangailangan

  • Pagsasama-sama ng pamilya

  • Pagtataguyod ng kapayapaan

Gaya ng sinabi ni Gobernador Henry, hindi nagagawa ng maraming nagdiriwang ng Pasko ang alinman sa mga iyan. Tuwing Kapaskuhan, ang mga tao ay karaniwan nang nagiging abala, nai-stress, at higit sa lahat, nagiging magastos. Nawawala na ba ang tunay na diwa ng Pasko?

Tayong lahat ay hinihimok ng Bibliya na alalahanin si Jesu-Kristo, maging mapagbigay, tumulong sa mga nangangailangan, at maglaan ng panahon sa ating pamilya. Tinuturuan din tayo nito na maging mapagpayapa. Kaya sa halip na talakayin kung bakit may mga taong hindi nagdiriwang ng Pasko, a ang tatalakayin ng seryeng ito ay ang sumusunod na mga tanong:

  • Ano ang iniisip ng ilan na dapat maging dahilan sa pagdiriwang ng Pasko?

  • Bakit isang hamon na makadama ng kagalakan at pag-ibig tuwing Kapaskuhan?

  • Anong mga simulain sa Bibliya ang nakatulong sa milyun-milyon para makasumpong ng mga bagay na higit pa sa Pasko?

a Para sa maka-Kasulatang mga dahilan kung bakit ang ilan ay hindi nagdiriwang ng Pasko, tingnan ang artikulong “Tanong ng mga Mambabasa​—Bakit May mga Hindi Nagdiriwang ng Pasko?”