Ano ang pangalan ng Diyos?
Ano ang pangalan ng Diyos?
Bawat kapamilya natin ay may pangalan. Kahit pa nga ang mga alaga nating hayop! Kaya hindi ba dapat na may pangalan din ang Diyos? Sa Bibliya, maraming titulo ang Diyos, gaya ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, Soberanong Panginoon, at Maylalang, pero mayroon din siyang pangalan.—Basahin ang Isaias 42:8.
Sa maraming salin ng Bibliya, makikita ang pangalan ng Diyos sa Awit 83:18. Halimbawa, sa Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan, sinasabi sa talatang ito: “Ikaw, na ang pangalan ay Jehova, ikaw lamang ang Kataas-taasan sa buong lupa.”
Bakit dapat nating gamitin ang pangalan ng Diyos?
Gusto ng Diyos na gamitin natin ang pangalan niya. Kapag kausap natin ang mga mahal natin, gaya ng malalapít na kaibigan, tinatawag natin sila sa pangalan. Hindi ba’t ganiyan din dapat kapag nakikipag-usap tayo sa Diyos? Gusto rin ni Jesu-Kristo na gamitin natin ang pangalan ng Diyos.—Basahin ang Mateo 6:9; Juan 17:26.
Pero para maging kaibigan ng Diyos, marami pa tayong dapat malaman tungkol sa kaniya, bukod sa pangalan niya. Halimbawa, anong uri siya ng Diyos? Posible ba talagang mapalapít sa Diyos? Makikita mo sa Bibliya ang mga sagot.