Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Posible bang maintindihan ang Bibliya?
Ang Bibliya ay Salita ng Diyos. Para itong liham mula sa isang mapagmahal na ama. (2 Timoteo 3:16) Sa Bibliya, ipinaliliwanag ng Diyos kung paano natin siya mapasasaya, kung bakit niya pinapayagan ang kasamaan, at kung ano ang gagawin niya sa hinaharap para sa mga tao. Pero pinilipit ng mga nagtuturo ng relihiyon ang sinasabi ng Bibliya kaya marami ang nag-iisip na hindi na nila ito maiintindihan.—Gawa 20:29, 30.
Gusto ng Diyos na Jehova na malaman natin ang katotohanan tungkol sa kaniya. Dahil diyan, binigyan niya tayo ng isang aklat na maiintindihan natin.—Basahin ang 1 Timoteo 2:3, 4.
Paano mo maiintindihan ang Bibliya?
Bukod sa binigyan tayo ni Jehova ng Bibliya, tinulungan din niya tayo na maintindihan ito. Isinugo niya si Jesus para turuan tayo. (Lucas 4:16-21) Tinulungan ni Jesus ang kaniyang mga tagapakinig na maintindihan ang Kasulatan sa pamamagitan ng pagbanggit ng iba’t ibang talata nito.—Basahin ang Lucas 24:27, 32, 45.
Itinatag ni Jesus ang kongregasyong Kristiyano para maipagpatuloy ang gawaing sinimulan niya. (Mateo 28:19, 20) Sa ngayon, tinutulungan ng mga tunay na tagasunod ni Jesus ang mga tao na maintindihan ang mga turo ng Bibliya tungkol sa Diyos. Kung gusto mong maintindihan ang Bibliya, malulugod ang mga Saksi ni Jehova na tulungan ka.—Basahin ang Gawa 8:30, 31.