Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 TAMPOK NA PAKSA | KAMATAYAN BA ANG WAKAS NG LAHAT?

Ang Tibo ng Kamatayan

Ang Tibo ng Kamatayan

Ang kamatayan ay hindi magandang paksa. Ayaw itong pag-usapan ng maraming tao. Pero sa malao’t madali, maaari itong mangyari sa atin. Ang tibo ng kamatayan ay napakasakit.

Walang lubusang makapaghahanda sa atin sa pagkamatay ng isang magulang, asawa, o anak. Ang isang trahedya ay maaaring mangyari nang di-inaasahan o sa loob ng mahabang panahon. Anuman ang kalagayan, hindi maiiwasan ang kirot ng kamatayan at ang resulta nito ay maaaring kapaha-pahamak.

Ganito ang sinabi ni Antonio na ang ama ay namatay sa isang aksidente sa daan: “Parang may nagkandado ng inyong bahay at kinuha ang mga susi. Hindi ka makapasok doon kahit sandali lang. Mga alaala na lang ang naiwan sa iyo. Ito na ang realidad ngayon. Bagaman hindi mo ito matanggap—dahil parang hindi ito patas—wala kang magawa.”

Si Dorothy, na namatayan naman ng asawa sa edad na 47, ay nagsikap na maghanap ng sagot sa kaniyang mga tanong. Bilang isang guro sa Sunday school, iniisip niya na ang kamatayan ay hindi wakas ng lahat ng bagay. Pero hindi niya talaga alam ang sagot. “Ano ang nangyayari sa atin kapag namatay tayo?” ang tanong niya sa kaniyang ministrong Anglikano. “Wala talagang nakaaalam,” ang sagot nito. “Kailangan lang nating maghintay.”

Wala na ba tayong magagawa kundi “maghintay”? May paraan ba para malaman kung ang kamatayan ang wakas ng lahat ng bagay?