Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 TAMPOK NA PAKSA | ANG GINAWA NG DIYOS PARA SA IYO

Isang Okasyon na Hindi Mo Dapat Kaligtaan

Isang Okasyon na Hindi Mo Dapat Kaligtaan

Noong gabi bago ibigay ni Jesus ang kaniyang buhay, inutusan niya ang kaniyang tapat na mga tagasunod na alalahanin, o gunitain, ang kaniyang sakripisyo. Gamit ang tinapay na walang pampaalsa at pulang alak, pinasimulan niya ang tinatawag na Huling Hapunan o Hapunan ng Panginoon, at iniutos: “Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.”Lucas 22:19.

Taun-taon, ang mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig ay nagtitipon upang alalahanin ang anibersaryo ng kamatayan ni Jesus. Sa 2014, ang Memoryal ay papatak ng Lunes, Abril 14, pagkalubog ng araw.

Malugod ka naming inaanyayahan sa okasyong ito. Tatalakayin dito ang higit pang impormasyon tungkol sa kahalagahan ng sakripisyong kamatayan ni Jesus. Ang pagdalo rito ay walang bayad. Wala ring koleksiyon. Masasabi sa iyo ng nagbigay ng magasing ito kung anong oras at kung saan gaganapin ang Memoryal sa inyong lugar, o maaari kang magpunta sa aming Web site na jw.org/tl. Pakisuyong huwag kaligtaan ang okasyong ito.