Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Lahat ba ng relihiyon ay mula sa tunay na Diyos?
Kapag nakikinig ka ng balita sa buong daigdig, malamang na mapansin mong ginagamit kung minsan ang relihiyon sa paggawa ng masama. Hindi lahat ng relihiyon ay mula sa tunay na Diyos. (Mateo 7:15) Oo, karamihan sa mga tao ay nailigaw ng relihiyon.—Basahin ang 1 Juan 5:19.
Gayunman, nakikita ng Diyos ang taimtim na mga tao na gustong gawin kung ano ang mabuti at tama. (Juan 4:23) Inaanyayahan sila ng Diyos na alamin ang katotohanan mula sa kaniyang Salita, ang Bibliya.—Basahin ang 1 Timoteo 2:3-5.
Paano mo makikilala ang tunay na relihiyon?
Pinagkakaisa ng Diyos na Jehova ang mga tao mula sa iba’t ibang relihiyon sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng katotohanan. Tinuturuan din niya sila na ibigin ang isa’t isa. (Mikas 4:2, 3) Kaya makikilala mo ang nagsasagawa ng tunay na relihiyon sa pagmamalasakit nila sa isa’t isa.—Basahin ang Juan 13:35.
Pinagkakaisa ng Diyos na Jehova ang mga tao sa tunay na pagsamba.—Awit 133:1
Nakasalig sa Bibliya ang pananampalataya at pamumuhay ng tunay na mga mananamba. (2 Timoteo 3:16) Pinararangalan din nila ang pangalan ng Diyos. (Awit 83:18) Sinusuportahan nila ang Kaharian ng Diyos bilang ang tanging pag-asa ng mga tao. (Daniel 2:44) Tinutularan nila si Jesus at ‘pinasisikat ang kanilang liwanag’ sa paggawa ng mabuti sa kanilang kapuwa. (Mateo 5:16) Kaya makikilala mo rin ang mga tunay na Kristiyano sa pamamagitan ng kanilang pagbabahay-bahay para ibahagi ang mabuting balita tungkol sa Kaharian ng Diyos.—Basahin ang Mateo 24:14; Gawa 5:42; 20:20.