Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Bakit dapat ipanalangin na dumating ang Kaharian ng Diyos?
Ang Kaharian ng Diyos ay isang gobyerno sa langit. Sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya na ipanalanging dumating ito dahil ibabalik nito ang katuwiran at kapayapaan sa lupa. Walang gobyerno ng tao na lubusang makapag-aalis ng sakit, karahasan, o kawalang-katarungan. Pero magagawa ito at gagawin ito ng Kaharian ng Diyos. Pinili ng Diyos ang kaniyang Anak, si Jesus, para maging Hari ng Kaharian. Pumili rin si Jehova ng mga tagasunod ni Jesus na makakasama ni Jesus na mamahala sa Kaharian.
Malapit nang alisin ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng sumasalansang sa pamamahala ng Diyos. Kaya ang panalanging dumating nawa ang Kaharian ng Diyos ay paghiling na palitan na sana ng gobyerno ng Diyos ang lahat ng gobyerno ng tao.
Bakit matutulungan ng Kaharian ng Diyos ang mga tao?
Dahil ang Hari ng Kaharian na si Jesus ay mahabagin. At bilang Anak ng Diyos, may kapangyarihan din siyang tulungan ang lahat ng humihingi ng tulong sa Diyos.
Matutulungan ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng taimtim na nananalanging dumating ito at namumuhay kaayon ng kalooban ng Diyos. Hinding-hindi mo pagsisisihan ang pag-aaral ng Bibliya tungkol sa Kaharian ng Diyos.