TAMPOK NA PAKSA | KAHARIAN NG DIYOS
Kaharian ng Diyos —Bakit Dapat Itong Maging Mahalaga sa Iyo?
Napansin mo siguro sa naunang mga artikulo na ang Kaharian ng Diyos ay napakahalaga sa mga Saksi ni Jehova. At marahil naging interesado ka sa mga pagpapalang ilalaan ng Kaharian ng Diyos. Pero baka iniisip mo kung talaga nga bang kapani-paniwala ang mga pangakong iyon.
Tama naman na hindi ka basta-basta maniwala sa lahat ng naririnig mo. (Kawikaan 14:15) Katulad mo ang sinaunang mga taga-Berea. * Nang una nilang marinig ang mabuting balita ng Kaharian, hindi lang nila basta tinanggap ang narinig nila, kundi sinuri nila ang Kasulatan para matiyak “kung totoo nga ang mga bagay na ito.” (Gawa 17:11) Sa ibang salita, ikinumpara ng mga taga-Berea ang mabuting balita na narinig nila sa kung ano ang sinasabi ng Kasulatan. Di-nagtagal, nakumbinsi sila na ang mabuting balita ay talagang nakasalig sa Salita ng Diyos.
Hinihimok ka ng mga Saksi ni Jehova na ganiyan din ang gawin. Sa tulong ng aming libreng programa sa pag-aaral ng Bibliya, makikita mo kung ang paniniwala ng mga Saksi ni Jehova tungkol sa Kaharian ng Diyos ay kapareho ng itinuturo ng Bibliya.
Bukod sa matututuhan mo tungkol sa Kaharian ng Diyos, matutulungan ka rin ng pag-aaral sa Bibliya na makita ang sagot sa mga tanong sa buhay.
Higit sa lahat, matutulungan ka ng pag-aaral sa Bibliya na maging ‘malapít sa Diyos.’ (Santiago 4:8) Miyentras mas malapít ka sa Diyos, mas magiging malinaw sa iyo kung paano ka matutulungan ng Kaharian ng Diyos
^ par. 4 Ang Berea ay isang lunsod sa sinaunang Macedonia.