TAMPOK NA PAKSA | POSIBLE BANG MABUHAY KAPAG NAMATAY NA?
Pag-asa Para sa mga Patay—Paano Ka Nakatitiyak?
Isa bang kamangmangan na isiping mabubuhay-muli ang mga patay? Hindi ganiyan ang inisip ni apostol Pablo. Sa patnubay ng banal na espiritu, isinulat niya: “Kung sa buhay na ito lamang tayo umaasa kay Kristo, tayo sa lahat ng mga tao ang pinakakahabag-habag. Gayunman, si Kristo nga ay ibinangon mula sa mga patay, ang unang bunga niyaong mga natulog na sa kamatayan.” (1 Corinto 15:19, 20) Para kay Pablo, tiyak na magkakaroon ng pagkabuhay-muli. Sa diwa, ginagarantiyahan ito ng mismong pagkabuhay-muli ni Jesus. * (Gawa 17:31) Iyan ang dahilan kung bakit tinawag ni Pablo si Jesus na “unang bunga”—siya ang una sa mga binuhay-muli na tumanggap ng walang-hanggang buhay. Kung si Jesus ang una, makatuwirang isipin na may iba pa.
May isa pang dahilan kung bakit ka makatitiyak na may pagkabuhay-muli. Si Jehova ay Diyos ng katotohanan. Ang “Diyos [ay] hindi makapagsisinungaling.” (Tito 1:2) Hindi kailanman nagsinungaling si Jehova, at hinding-hindi siya magsisinungaling. Mangangako ba siya ng pagkabuhay-muli—ipinakita pa nga na kaya niya itong gawin—at pagkatapos ay hindi naman niya tutuparin? Imposible iyan!
Bakit bubuhaying muli ni Jehova ang mga patay? Dahil sa pag-ibig. “Kung ang isang [tao] ay mamatay mabubuhay pa ba siyang muli?” ang tanong ni Job. “Ikaw ay tatawag, at ako ay sasagot sa iyo. Ang gawa ng iyong mga kamay ay mimithiin mo.” (Job 14:14, 15) Kumbinsido si Job na mimithiin ng kaniyang maibiging Ama sa langit na buhayin siyang muli. Nagbago ba ang Diyos? “Ako ay si Jehova; hindi ako nagbabago.” (Malakias 3:6) Nasasabik pa rin ang Diyos na buhaying muli ang mga patay—malusog at masaya. Ito rin ang gugustuhin ng sinumang maibiging magulang na namatayan ng anak. Ang kaibahan nga lang, ang Diyos ay may kapangyarihang gawin ang anumang nais niya.—Awit 135:6.
Ang kamatayan ay isang napakalaking problema, pero may solusyon diyan ang Diyos
siya rin ay “lumuha.” (Juan 11:35) Sa isa pang pagkakataon, nakasalubong ni Jesus ang babaeng balo ng Nain, na namatayan ng kaisa-isang anak na lalaki. Si Jesus ay “nahabag sa kaniya, at sinabi niya sa kaniya: ‘Huwag ka nang tumangis.’” Karaka-raka, binuhay niyang muli ang anak na lalaki. (Lucas 7:13) Maliwanag na alam na alam ni Jesus kung gaano kasakit ang mamatayan. Tiyak na matutuwa si Jesus kapag pinalitan na niya ng saya ang pagdadalamhati ng mga tao sa buong daigdig!
Bibigyang-kapangyarihan ni Jehova ang kaniyang Anak para magbigay ng walang-kahulilip na kaligayahan sa mga nagdadalamhating namatayan ng mga mahal sa buhay. Ano ang nadarama ni Jesus tungkol sa pagkabuhay-muli? Bago buhaying muli si Lazaro, nakita ni Jesus ang pagdadalamhati ng mga kapatid at kaibigan nito, atNaranasan mo na bang mamatayan? Baka iniisip mong ang kamatayan ay isang problema na walang solusyon. Pero mayroon—pagkabuhay-muli na isasagawa ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang Anak. Tandaan, gusto ng Diyos na masaksihan mo ang solusyong iyan. Gusto niyang naroroon ka para mayakap mong muli ang mga mahal mo sa buhay. Isip-isipin na magkasama kayong nagpaplano para sa walang-hanggang kinabukasan—hinding-hindi na muling maghihiwalay!
Sinabi ni Lionel, na binanggit kanina: “Nang maglaon, nalaman ko ang tungkol sa pagkabuhay-muli. No’ng una, ang hirap paniwalaan nito, at hindi ako kumbinsido sa nagsabi nito sa akin. Pero sinuri ko ito sa Bibliya at nakita kong totoo nga! Sabik na akong makitang muli si Lolo.”
Gusto mo bang makaalam nang higit pa? Matutulungan ka ng mga Saksi ni Jehova na makita sa sarili mong Bibliya kung bakit sila kumbinsido na may pagkabuhay-muli sa hinaharap. *
^ par. 3 Para sa katibayan na binuhay-muli si Jesus, tingnan ang aklat na Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa pahina 78-86, na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova.
^ par. 9 Tingnan ang kabanata 7 ng aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova.