Awit 58
Aking Panalangin ng Pag-aalay
1. Puso ko’y alay sa iyo,
Iibigin utos mo.
Isip ko’y para sa iyo,
Maglilingkod b’ong puso.
2. Paa ko’t mga kamay
Maglilingkod b’ong buhay.
Tinig ko ay aawit,
Papuri’y isasambit.
3. Buhay ko’y para sa iyo,
Kaayon ng nais mo.
Gagawin lahat ito,
Magbigay-lugod sa iyo.
(Tingnan din ang Awit 40:8; Juan 8:29; 2 Cor. 10:5.)