Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 3

“Ang Diyos ay Pag-ibig”

“Ang Diyos ay Pag-ibig”

(1 Juan 4:7, 8)

1. Si Jehova ay pag-ibig,

Tayo’y inanyayahan,

‘Lumakad kasama ko at

Ibigin aking daan.’

Kung ibigin Diyos at kapwa,

Sa ati’y makikita.

Ang tulad-Kristong pag-ibig,

Laging mananagana.

2. Udyok ng pag-ibig sa Diyos

At katotohanan din,

Nagpapakilos sa atin

Na ang kapwa’y ibigin.

Ang pag-ibig ay dalisay,

Lahat ay binabata.

Kapatid ating ibigin

Nang ibigin din nila.

3. Huwag sanang tampo sa kapwa’y

Manaig sa damdamin.

’Pag sa Diyos tayo’y umasa

Ituturo niya sa ’tin:

Pag-ibig sa Diyos at kapwa,

Ang tunay na pag-ibig.

Lagi nawang ipakita,

Magiliw na pag-ibig.