Awit 79
Ang Kapangyarihan ng Kabaitan
1. Salamat at nakilala si Jah
Sa kanyang Salita.
Sagana man sa talino’t lakas,
Maibigi’t kaybuti Niya.
2. Iwanan natin pasan ng puso,
Ang sabi ni Kristo.
Pamatok niya’y mabait, magaan,
Nakagiginhawa ito.
3. Kabaitan ng Diyos at ni Jesus
Ay ating tularan.
Ipamalas natin sa ’ting gawa,
Empatiya nilang uliran.
(Tingnan din ang Mik. 6:8; Mat. 11:28-30; Col. 3:12; 1 Ped. 2:3.)