Awit 114
Ang Sariling Aklat ng Diyos—Isang Kayamanan
1. Mayro’ng aklat taglay ay kayamanan,
Dulot ay pag-asa’t kagalakan.
Kahanga-hanga ang kapangyarihan;
Dulot ay buhay, kaliwanagan.
Ang tawag ay Banal na Kasulatan.
’Sinulat ng mga kinasihan,
Ng umiibig sa Diyos na Jehova;
’Spiritu niya sila’y ginabayan.
2. Ang paglalang ng Diyos ay iniulat,
Ang paglitaw nitong sangnilikha.
Nag-ulat ding sakdal ang unang tao
At bakit Paraiso’y nawala.
Sinabi rin na may anghel sa langit,
Humamon kay Jehova’t sumuway.
Ang dulot ay dusa at kasalanan,
Ngunit kay Jehova ang tagumpay.
3. Ngayon ay panahon ng kagalakan.
Narito na’ng Kaharian ng Diyos.
Ito na ang araw ng kaligtasan
Sa nakikipagkaisang lubos.
Kanyang aklat may masayang balita;
Piging na sagradong para sa ’tin.
Dulot ay tunay na kapayapaan;
Kayamanang dapat na basahin.
(Tingnan din ang 2 Tim. 3:16; 2 Ped. 1:21.)