Awit 128
Ang Tanawin ng Sanlibutang Ito ay Nagbabago
1. Tayo’y binigyang pag-asa
Sa kasalana’y lumaya.
Laan ng Diyos ang Anak niya—
Kaloob na dakila.
(KORO)
Kahit sanlibuta’y
nagbabago,
Diyos may laang pagpapala
Sa langit at sa lupa.
2. Sanlibuta’y nagdurusa
Sa balakyot na sistema.
Kaharia’y ihayag nga;
Ito’y nagpupuno na.
(KORO)
Kahit sanlibuta’y
nagbabago,
Diyos may laang pagpapala
Sa langit at sa lupa.
(Tingnan din ang Awit 115:15, 16; Roma 5:15-17; 7:25; Apoc. 12:5.)