Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 107

Halikayo sa Bundok ni Jehova

Halikayo sa Bundok ni Jehova

(Isaias 2:2-4)

1. Tingnan at pagmasdan,

Lubhang napakataas.

Ang bundok ni Jehova,

Lalo pang ’tinaas.

Tao’y paroroon,

Galing sa bawat bansa,

Lahat naglilingkod

At sa Diyos sumasamba.

Panahon na ngayon,

Bansang maliit ay lálakí.

Tayo’y sumusulong,

Patnubay ng Diyos ang siyang sanhi.

Milyun-milyon ngayon

Pumapanig na kay Jah.

Sila ay matapat,

’Di lalayo sa kanya.

2. Nag-utos si Jesus,

Ipangaral salita.

Tungkol sa Kaharian,

Ngayo’y laganap na.

Kristo ay hari na,

Sa kanya ay pumanig.

Mga maaamo,

Sa kanya ay makinig.

Malaking pulutong,

Paglago nito ay kaysaya!

Lahat may bahagi

Sa pagpapakilala kay Jah.

Tinig ay ilakas,

Sumigaw nang matindi,

‘Sa bundok ni Jehova,

Tayo’y manatili.’