Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 97

Humayo, mga Ministro ng Kaharian!

Humayo, mga Ministro ng Kaharian!

(2 Timoteo 4:5)

1. Ipangaral ang Kaharian

Sa bawat bansa’t bayan.

May pag-ibig sa inyong kapwa,

Maaamo’y tulungan.

Paglilingkod ay pribilehiyo;

Salita niya ay ihayag.

Hayo sa laranga’t mangaral;

Pangalan ng Diyos itanyag.

(KORO)

Sulong, hayo,

ipangaral natin ang Kaharian.

Sulong tayo, sa panig

ni Jehova manindigan.

2. Mga ministro’y humahayo

Gantimpala ay buhay.

Sinusundan yapak ni Kristo

Taglay pusong dalisay.

Tungkol sa Kaharian ng Diyos,

Lahat ay dapat sabihan.

Dahil sa lakas ni Jehova

Walang dapat katakutan!

(KORO)

Sulong, hayo,

ipangaral natin ang Kaharian.

Sulong tayo, sa panig

ni Jehova manindigan.

3. Sumulong na magkaagapay

Ibang tupa’t nalabi.

Bata’t matanda, kahit sino

Nagkakabuklod lagi.

Banal ang ating paglilingkod,

Pagsamba natin ay kusa.

Patunayang tayo’y marapat

Paggawing malinis t’wina.

(KORO)

Sulong, hayo,

ipangaral natin ang Kaharian.

Sulong tayo, sa panig

ni Jehova manindigan.