Awit 33
Huwag Matakot sa Kanila!
1. Patuluyan, aking bayan,
Kaharia’y ihayag.
Huwag kayong mabagabag.
Balita’y ipahayag
Na ang Haring Jesu-Kristo,
Sa langit nagpalayas,
At malapit nang gapusin
Ang Diyablo at Satanas.
(KORO)
Mahal ko huwag kang matakot,
Kahit magbanta sila.
Lingkod ko ay iingatan
’Pagkat siya’y mahalaga.
2. Kahit kaaway manlait,
At sila ay marami,
Mapanlinlang mang ngiti,
Ang gamiting panghuli.
Huwag matakot aking kawal,
Kahit sa pag-uusig
Iingatan ni Jehova
Ang sa kanya’y sasandig.
(KORO)
Mahal ko huwag kang matakot,
Kahit magbanta sila.
Lingkod ko ay iingatan
’Pagkat siya’y mahalaga.
3. ’Di kita kalilimutan;
Diyos ako at sanggalang.
Kahit ka pa mapaslang,
Kamataya’y ’di hadlang.
Katawan ma’y mapahamak
Ngunit ’di ang kalul’wa.
Magtapat ka lang sa akin;
Handa ’kong tulungan ka!
(KORO)
Mahal ko huwag kang matakot,
Kahit magbanta sila.
Lingkod ko ay iingatan
’Pagkat siya’y mahalaga.
(Tingnan din ang Deut. 32:10; Neh. 4:14; Awit 59:1; 83:2, 3.)