Awit 84
“Ibig Ko”
1. Si Jesus ay nagpakita
Ng pag-ibig na dakila
Nang sangkatauhan
Ay maturuan,
Katotohanan sa Ama.
Kaylaki ng kanyang habag,
Pinagaling bingi’t bulag.
Atas ay kanyang inasikaso
At sambit niya ay: “Ibig ko.”
2. Tulong, ang Diyos ay nagbigay
Ng alipin bilang gabay.
Tayo’y natutuwa
Sila’y kasama,
Nang maaamo’y mabuhay.
Kanila ngang madarama
Kung mahal natin talaga.
Kung patulong ang ulila’t balo,
Sabihin agad: “Ibig ko.”
(Tingnan din ang Juan 18:37; Efe. 3:19; Fil. 2:7.)