Awit 85
Isang Lubos na Gantimpala Mula kay Jehova
1. Tapat si Jehova at kilala niya
Lahat ng naglilingkuran.
Minsan dahil sa kanilang debosyon
Ang kapalit ay kawalan.
Nag-iwan ng pamilya’t kaibigan,
Ang Diyos lahat nalalaman.
Ang kapalit ay ating kapatiran
At buhay na walang hanggan.
(KORO)
Diyos nawa’y maglaan kaaliwan
At gantimpala para sa iyo.
Manganlong ka sa kanyang pakpak,
Tapat si Jehova; siya ay totoo.
2. Pinili man o kalagayan nila,
Iba’y ’di na nag-asawa.
Sa kanilang paglilingkod nang lubos,
Diyos, pinagpapala sila.
Sa pananatiling walang asawa
Ay nalulungkot din sila.
Bilang kapatid, magbigay nga tayo
Pagsang-ayon at suporta.
(KORO)
Diyos nawa’y maglaan kaaliwan
At gantimpala para sa iyo.
Manganlong ka sa kanyang pakpak,
Tapat si Jehova; siya ay totoo.
(Tingnan din ang Huk. 11:38-40; Ruth 2:12; Mat. 19:12.)