Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 65

“Ito ang Daan”

“Ito ang Daan”

(Isaias 30:20, 21)

1. Mayro’ng isang daan

Ng kapayapaan.

Daang natutuhan

Noong una pa man.

’Tinuro ni Jesus sa

Kanya nagmula.

Ito ay nasa

Salita ni Jehova.

(KORO)

Ito’ng daan; Oo, ito’ng Daan.

Buhay ito; Huwag mong lilihisan!

Diyos tumatawag: ‘Ito’ng Daan;

Huwag lumingon, Oo, ito’ng Daan.’

2. Mayro’ng isang daan,

Pag-ibig na wagas.

Tinig ng Diyos ang siyang

Nagturo ng landas.

Pag-ibig niya’y lubos,

Mainit, at tunay.

Saklaw nito ay ang

Buo nating buhay.

(KORO)

Ito’ng daan; Oo, ito’ng Daan.

Buhay ito; Huwag mong lilihisan!

Diyos tumatawag: ‘Ito’ng Daan;

Huwag lumingon, Oo, ito’ng Daan.’

3. Mayro’ng isang daan,

Patungo sa buhay.

Ang pangako ni Jah:

Mahusay na gabay,

At kapayapaan,

Pag-ibig na taos.

Daan sa ’ting buhay,

Salamat sa ’ting Diyos.

(KORO)

Ito’ng daan; Oo, ito’ng Daan.

Buhay ito; Huwag mong lilihisan!

Diyos tumatawag: ‘Ito’ng Daan;

Huwag lumingon, Oo, ito’ng Daan.’

(Tingnan din ang Awit 32:8; 139:24; Kaw. 6:23.)