Awit 72
Linangin ang Katangian ng Pag-ibig
1. Mga katangian nga ng Diyos,
Nais nating tularang lubos.
Pinakamahalaga rito
Pag-ibig naitampok nito.
Walang saysay ang talino mo,
Kung pag-ibig ay salat sa iyo.
Kaya pag-ibig ay linangin
Nang mapalugdan ang Diyos natin.
2. Hindi sapat ang kaisipan,
Sa pag-aalaga sa kawan.
Ibigin sa salita’t gawa,
Habang inaaral, Salita.
Natitiis ang upasala,
Tinatakpan pagkakasala.
May hamon mang dumating sa iyo,
Sa pag-ibig ’di mabibigo.
(Tingnan din ang Juan 21:17; 1 Cor. 13:13; Gal. 6:2.)