Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 135

Magbata Hanggang sa Wakas

Magbata Hanggang sa Wakas

(Mateo 24:13)

1. Pangako’t Salita ng Diyos

Mapananaligan.

Tutulungan kang magbata

Ng mga natutuhan.

Katapata’y masusubok,

Ika’y dadalisayin.

May pananampalatayang

Araw ng Diyos isipin.

2. Taglay mong unang pag-ibig,

Sana’y huwag iwanan.

Sa kabila ng pagsubok,

Lagi kang manghawakan.

Alinlangan o takot man,

Huwag hayaang humadlang.

Pagtakas ay ilalaan,

Ang Diyos ’di ka iiwan.

3. Ang magbata hanggang wakas

Ay may kaligtasan.

Tiyak nasa aklat ng buhay

Ang kanilang pangalan.

Kaya’t gawin mong tunguhin,

Magbata nang lubusan.

Pagsang-ayon ni Jehova

Dulot ay kagalakan.