Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 124

Maging Mapagpatuloy

Maging Mapagpatuloy

(Gawa 17:7)

1. Mapagpatuloy ang

Diyos na Jehova.

Sa lahat ay nagmamalasakit siya.

Ulan at araw ay kanyang ’binibigay.

Puso nati’y punô ng galak.

Kapag nililingap natin ang dukha,

Bilang anak ay tinutularan siya.

Kanyang susuklian, ating kabutihan,

Ang kabaitan na busilak.

2. Kagandahang-loob ay ipakita,

Sa nangangailangan, ’di man kilala.

Maa’ring dumating, pagpapala sa ’tin,

Kung tayo ay mapagpatuloy.

Tulad ni Lydia no’n ay sabihin mo

Sa mga kapatid:

‘Tuloy po kayo.’

Alam ni Jehova, at nakikita niya,

Ating pagkamapagpatuloy.