Awit 32
Maging Matatag, Di-natitinag!
1. Mga bansa ay naguguluhan.
May pangamba sa kinabukasan.
Magpakatibay tayo nang lubos,
At tapat sa ating Diyos.
(KORO)
Laging may katatagan;
Sanlibuta’y layuan,
At manatili kang walang kapintasan.
2. Silo’t tukso’y laganap sa mundo.
Sanggalang ay isip na matino.
Manghawakan sa Diyos na totoo,
Iingatan niya tayo.
(KORO)
Laging may katatagan;
Sanlibuta’y layuan,
At manatili kang walang kapintasan.
3. Sambahin ang Diyos mula sa puso.
Paglilingkuran, sumama tayo.
Ipangaral mabuting balita,
Kawakasa’y nariyan na.
(KORO)
Laging may katatagan;
Sanlibuta’y layuan,
At manatili kang walang kapintasan.
(Tingnan din ang Luc. 21:9; 1 Ped. 4:7.)