Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 78

Mahabang Pagtitiis

Mahabang Pagtitiis

(Galacia 5:22)

1. Soberanong Jehova,

Pangalan niya’y siniraan.

Nilayon niyang linisin

Mula sa mga paratang.

Mahabang panahon siyang

Nagtiis, nagpasensiya;

Hindi siya nanlupaypay,

Laging nagbabata.

Nais niyang kaligtasa’y

Ilaan sa mga tao.

Pagtitiis ng Diyos ay

Tunay na ’di mabibigo.

2. Pagtitiis kailangan

Sa makadiyos na landasin.

Puso’y pinapayapa,

Poot ay napipigil din.

Nakikita sa tao,

Kanilang kabutihan.

Katinuan ng isip

Ay naiingatan.

Dahil sa katangian

Na bunga ng espiritu,

Diyos ay matutularan;

Matiisin siyang totoo.