Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 120

Makinig at Sumunod Upang Pagpalain Ka

Makinig at Sumunod Upang Pagpalain Ka

(Lucas 11:28)

1. Kung tayo ay makikinig kay Kristo,

Ituturo ang tunay na daan.

Pagpapalain, liligaya tayo

Kung landasin niya’y ating susundan.

(KORO)

Makinig at sumunod

Sa Kanyang kalooban.

Dulot nito ay kapayapaan;

Makinig at sumunod.

2. Ating buhay tulad sa isang bahay

Kung ’tinayo sa batong matibay.

Aral ni Kristo ang gawing patnubay,

Tiyak na tayo ay magtatagumpay.

(KORO)

Makinig at sumunod

Sa Kanyang kalooban.

Dulot nito ay kapayapaan;

Makinig at sumunod.

3. Katulad ng puno sa may tubigan,

Nagbubunga sa kapanahunan.

Kung susundin ang kanyang kahilingan,

Pag-asa’y buhay na walang hanggan.

(KORO)

Makinig at sumunod

Sa Kanyang kalooban.

Dulot nito ay kapayapaan;

Makinig at sumunod.