Awit 67
Manalangin kay Jehova sa Tuwina
1. Manalangin tayo kay Jehova.
Iyo’y pribilehiyo natin talaga.
Lapitan siya gaya ng kaibigan;
Siya’y ating laging maaasahan.
Manalangin sa tuwina.
2. Pasalamatan ang ating buhay;
Pagpapatawad nawa’y ibigay.
Siya’y ating mapagtitiwalaan
At batid niyang tayo’y alabok lang.
Manalangin sa tuwina.
3. Ipanalangin ating problema,
Malalapitan siyang tulad-Ama.
Tulong, proteksiyon, ibibigay niya.
Huwag kang matakot, magtiwala ka.
Manalangin sa tuwina.
(Tingnan din ang Mat. 6:9-13; 26:41; Luc. 18:1.)