Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 51

Mangunyapit Tayo kay Jehova

Mangunyapit Tayo kay Jehova

(Josue 23:8)

1. Soberanong Jehova’y marapat purihin.

Katarungan niya’y ’di maa’ring pilipitin.

Lahat ng sabihin niya’y ’di mabibigo.

Kay Jehova dapat manatili tayo;

Kumapit ka sa matwid niyang pagpupuno.

2. Sa katotohanan tatag ang kanyang trono.

Mal’walhati ang paligid ng kanyang dako.

Sa kanyang ’anyaya maamo’y huhugos.

Manatili sa ’ting Kata’s-taasang Diyos;

Siya lamang marapat sa pagsambang lubos.

3. Sa langit ng mga langit ’di siya magkasya.

Walang kaaway makapipigil sa kanya.

Lahat ng pangako’y kanyang tutuparin.

Pumanig sa Diyos kalooban niya’y gawin,

Nawa’y sumidhi pa ang debosyon natin.