Awit 75
Mga Dahilan Natin Para Magalak
1. Ang dahilan nati’y marami
Upang tayo ay matuwa.
Mga tupa ay sumasama,
Nanggaling sa buong lupa.
Tunay ang ating kagalakan,
Sa Bibliya ay nakasalig.
Araw-araw na pag-aralan;
Sa narinig ay manalig.
Malalim ating kagalakan,
Puso’y umaalab sa tuwa.
Dumanas man ng suliranin,
Lakas nanggagaling kay Jah.
(KORO)
Kagalakan natin si Jah,
Mga gawa niya’y dakila.
Dunong niya’t gawa ay nagbabadya,
Kabutihan na sagana.
2. Likha mo’y kayganda’t kayhusay,
Ang langit, dagat, at lupa.
Masdan aklat ng kalikasan,
Pinupuri ang ’yong gawa.
Ngayon tayo ay nangangaral,
Kaharian ng Diyos ang paksa.
Pagsilang nito’y ibalita
At dulot na pagpapala.
Tulad ng pagsikat ng araw,
Nariyan na ang kasiyahan.
Ang bagong langit, bagong lupa,
Magdudulot kaluguran.
(KORO)
Kagalakan natin si Jah,
Mga gawa niya’y dakila.
Dunong niya’t gawa ay nagbabadya,
Kabutihan na sagana.
(Tingnan din ang Deut. 16:15; Isa. 12:6; Juan 15:11.)