Awit 110
Mga Kamangha-manghang Gawa ng Diyos
(Awit 139)
1. O Diyos, lubos mo ’kong kilala,
Sa paghiga at sa pagbangon ko.
Sinuri mo aking kalo’b-looban,
Alam mo rin ang salita
at lakad ko.
Noong ako’y gawin sa lihim,
Mga buto ko’y ’di lingid sa iyo.
Nakita mo, lahat ay nakasulat.
Pupurihin ko
ang kapangyarihan mo.
Kaalaman mo ay kahanga-hanga;
Batid ito ng aking kalul’wa.
Mabalot man ako ng kadiliman,
Ako’y makikita mo Jehova.
O sa’n ako makatatago?
Sa ’yong mukha, walang pagkublihan.
’Di sa ’taas ni kalaliman ng Sheol,
’Di sa dilim, sa dagat, kahit sa’n pa man.
(Tingnan din ang Awit 66:3; 94:19; Jer. 17:10.)