Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 53

Nagkakaisang Gumagawa

Nagkakaisang Gumagawa

(Efeso 4:3)

1. Diyos ang nagtipon sa atin

Nang biyaya’y tamasahin.

Nagkakaisa ang diwa,

Dulot ay ligaya.

Pagkakaisa ay

Dapat mahalin.

Kayrami nating gawain.

Diyos gumagabay sa atin.

Naglilingkod na may kusa,

May pagkakaisa.

2. Pagkakaisa’y ’dalangin

Kabaitan ay linangin.

Pag-ibig ay sasagana,

Laging maligaya.

Nakagiginhawa,

Kaysarap damhin.

Pag-ibig sa kapatiran,

Dulot ay kapayapaan.

Sa tulong niya’y nabubuklod,

Laging naglilingkod.