Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 10

“Narito Ako! Isugo Mo Ako”

“Narito Ako! Isugo Mo Ako”

(Isaias 6:8)

1. Mga tao’y nanlilibak,

Ngalan ng Diyos hinahamak.

Diyos daw ay may kalupitan.

“Walang Diyos!” sabi ng mangmang.

Sino ang magpapabanal

Sa ngalang winalang-dangal?

“Narito ako’y suguin.

Papuri ay aawitin.

(KORO)

Wala nang higit pang gawain.

Diyos, ako ang suguin.”

2. Siya’y mabagal sabi nila;

Takot sa Diyos ’di kilala.

Yaring bato ang diyos nila;

Si Cesar ma’y sinasamba.

Sinong magbibigay-alam

Sa pangwakas na digmaan?

“Narito ako’y suguin.

Walang takot sasabihin.

(KORO)

Wala nang higit pang gawain.

Diyos, ako ang suguin.”

3. Maaamo’y nahahapis,

Kasamaa’y lumalabis.

Ibig nilang masumpungan,

Tunay na kapayapaan.

Sinong hahayo’t maghatid

Ng kaaliwan sa matwid?

“Narito ako’y suguin.

Maaamo’y aakayin.

(KORO)

Wala nang higit pang gawain.

Diyos, ako ang suguin.”

(Tingnan din ang Awit 10:4; Ezek. 9:4.)