Awit 34
Pagiging Marapat sa Aming Pangalan
1. Diyos na Jehova Kataas-taasan,
Sakdal pag-ibig, makatarungan.
Diyos ka ng katotohanan at dunong,
Ang Soberano sa kalangitan.
Bilang ’yong bayan kami’y nasisiyahan;
Sa pangangaral ng Kaharian.
(KORO)
Maging Saksi’y dakilang pribilehiyo.
Maging marapat sa aming ngalan!
2. Magkakasama sa paglilingkuran
Nabubuklod sa pagkakaisa.
Sa pagtuturo ng katotohanan
Ang puso nami’y punô ng tuwa.
Dahil kami’y kilala sa ’yong ngalan,
Paghahayag nito’y karangalan.
(KORO)
Maging Saksi’y dakilang pribilehiyo.
Maging marapat sa aming ngalan!
(Tingnan din ang Deut. 32:4; Awit 43:3; Dan. 2:20, 21.)