Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 60

Palalakasin Ka Niya

Palalakasin Ka Niya

(1 Pedro 5:10)

1. Inakay ka ng Diyos sa kaliwanagan,

Nalaman mo ang katotohanan.

Pananabik sa puso mo’y nakita niya,

Gawin ang tama at hanapin siya.

Nangako kang nais niya’y susundin;

Tulong niya’y asahang patuloy rin.

(KORO)

Dugo ni Jesu-Kristo ang tumubos sa iyo.

Pag-aari ka na ng Diyos na Jehova.

Gagabayan ka lagi at iingatan pa.

Tutulungan ka niya, patitibayin ka.

2. Anak ng Diyos para sa iyo’y ibinigay,

Nang sa gayon ika’y magtagumpay.

Ibibigay niya ang lakas na kailangan,

Mahal nga niyang Anak inilaan.

’Di Niya lilimutin pag-ibig mo;

Lagi Siyang aalalay sa iyo.

(KORO)

Dugo ni Jesu-Kristo ang tumubos sa iyo.

Pag-aari ka na ng Diyos na Jehova.

Gagabayan ka lagi at iingatan pa.

Tutulungan ka niya, patitibayin ka.