Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 11

Pinasasaya ang Puso ni Jehova

Pinasasaya ang Puso ni Jehova

(Kawikaan 27:11)

1. O Diyos, ikaw ay susundin;

Gawain mo’y gaganapin.

Magiging bahagi namin,

Puso mo ay pasayahin.

2. Katiwala mo sa lupa,

’Nihahayag kang dakila,

Naglalaan ng pagkain,

Nang may sigla sa gawain.

3. Kami’y bigyan mo ng lakas,

Nang ’di kami madupilas,

At nang mapapurihan ka,

Puso mo ay mapasaya.