Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 41

Sambahin si Jehova sa Panahon ng Kabataan

Sambahin si Jehova sa Panahon ng Kabataan

(Eclesiastes 12:1)

1. Kabataan malapit ka sa Diyos;

Kayo’y minamahal niya nang lubos.

Nais niyang kayo’y maalagaan

Ng magulang, pamilya’t kaibigan.

2. Parangalan ang inyong magulang,

Pakikipagtalo ay iwasan.

Kung si Jehova’y ’yong paluguran,

Buhay mo’y laging may kasiyahan.

3. Alalahanin ang ’yong Maylalang;

Sumulong ka sa katotohanan.

Kung debosyon ay kay Jah ibigay,

Puso niya’y magagalak na tunay.