Awit 76
Si Jehova, Diyos ng Kapayapaan
1. Diyos naming Jehova,
Diyos ng kapayapaan.
’Pagkaloob mo nawa ang
Payapang kalagayan.
Alay naming buhay,
Anak mo ang tumubos.
Kapayapaan mo sana’y
Sumaamin nang lubos.
2. Pagsisikap nila
Kabiguan ang dala.
Ngunit buhay ng ’yong bayan
Ay laging mapayapa.
Ang aming panata
Mga utos mo’y sundin.
Mga pagsisikap namin
Nawa’y ’yong pagpalain.
3. Salita mo’y tanglaw,
Patnubay sa ’ming buhay.
Sa mundong may kadiliman,
Ikaw ang aming gabay.
Kapayapaan mo
Nawa’y aming matamo,
Upang laging maingatan
Aming isip at puso.
(Tingnan din ang Awit 4:8; Fil. 4:6, 7; 1 Tes. 5:23.)