Awit 131
Si Jehova, Tagapaglaan ng Pagtakas
1. Ikaw lamang Jehova ang Diyos na buháy;
Lalang mo ang lahat, wala kang kapantay.
Walang diyos ang tulad mo, walang iba—tunay ka.
Kaaway ay puksa.
(KORO)
Laan ni Jah sa tapat ang pagtakas.
Sa lingkod niya ay Moog siya na matibay.
Magmagiting at manalig ka kay Jehova.
’Pakilala at papurihan pangalan niya.
2. Sa bingit ng Sheol tatawag ako sa iyo,
‘Jehova, bigyan mo’ng lakas ang lingkod mo.’
Mula ro’n sa ’yong templo ay pakinggan, ‘Ingatan,
Iligtas mo ako.’
(KORO)
Laan ni Jah sa tapat ang pagtakas.
Sa lingkod niya ay Moog siya na matibay.
Magmagiting at manalig ka kay Jehova.
’Pakilala at papurihan pangalan niya.
3. Dadagundong sa langit ang iyong tinig.
Sindak ang kaaway; sila’y manginginig.
’Pag natupad layunin, magsasaya lingkod niya,
Laan niya’y pagtakas.
(KORO)
Laan ni Jah sa tapat ang pagtakas.
Sa lingkod niya ay Moog siya na matibay.
Magmagiting at manalig ka kay Jehova.
’Pakilala at papurihan pangalan niya.
(Tingnan din ang Awit 18:1, 2; 144:1, 2.)