Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 45

Sulong sa Unahan!

Sulong sa Unahan!

(Hebreo 6:1)

1. Sulong na tungo sa pagkamaygulang!

Kalooban ng Diyos magtaglay kakayahan.

’Pag ministeryo mo’y nasa unahan,

Pagpapala’y kakamtan.

Lahat tayo’y dapat maglingkod.

Halina, kay Jesus sumunod.

Magtiwala sa Diyos, huwag manghimagod,

Matatag sa katwiran.

2. Sulong sa unahan, magpatotoo!

Balitaan natin lahat ng mga tao.

Ating Diyos, si Jehova’y purihin mo,

Gawin sa bahay-bahay.

Masama ma’y manakot sa iyo,

Huwag umurong, magpatotoo.

Kaharian ng Diyos ay naririto,

Hayagan na isaysay.

3. Sulong sa unahan, laging magtiyaga!

Sining pasulungin, gawai’y marami pa.

Tutulong sa iyo espiritu Niya.

Dulot ay kagalakan.

Ibigin mga nasumpungan.

Balikan, sila’y pagtiyagaan,

Sa pagsulong sila’y inyong tulungan,

Sila’y maliwanagan.

(Tingnan din ang Fil. 1:27; 3:16; Heb. 10:39.)