Awit 62
Tayo ba’y Kanino?
1. Ikaw ba’y kanino?
Sino nga ba ang diyos mo?
Kung sinong ’yong niyuyukuran,
Siya ang pinaglilingkuran.
Kung dalawa ang diyos,
Ikaw ay salawahan.
Ang katapatan paghahatian;
Kapwa ’di masisiyahan.
2. Ikaw ba’y kanino?
Sino ang ’yong susundin?
Isa ay huwad, isa’y tunay,
Pumili ka’t huwag maghintay.
Kay Cesar ba ukol
Ang iyong katapatan?
O Diyos susundin at tutuparin
Ang kanyang kalooban?
3. Ako ba’y kanino?
Jehova ay susundin.
Diyos na aking paglilingkuran;
Panata’y ’di tatalikdan.
Ako ay binili;
Kay Jah lang maglilingkod.
Hain ni Jesus sa ’ki’y tumubos;
Ako’y ’di tatalikod.
(Tingnan din ang Jos. 24:15; Awit 116:14, 18; 2 Tim. 2:19.)