Awit 100
Tayo’y Hukbo ni Jehova!
(Joel 2:7)
1. Tayo ay hukbo ng Diyos,
Pinalaya na,
Kaharian ng Diyos ay
Ibinabalita.
Matiyagang sumusulong,
May pagkukusa,
Mga walang takot
Kahit bahagya.
(KORO)
Ang hukbo ni Jehova;
Kristo’y kaisa,
Kanilang sigaw ay,
“Hari na si Jah.”
2. Tayo ay lingkod ng Diyos,
Tupa’y hanapin,
Mga nasisiphayo
At nalulumbay rin.
Madalas na dalawin,
Pinakakain;
Inaanyayahan
Sa pulong natin.
(KORO)
Ang hukbo ni Jehova;
Kristo’y kaisa,
Kanilang sigaw ay,
“Hari na si Jah.”
3. Hukbo ni Jehovang Diyos
Ulo’y si Kristo,
Kasangkapa’y handa na,
Walang sumusuko.
Lagi ngang nag-iingat
Na maging tapat.
Kahit sa panganib,
Matwid sa lahat.
(KORO)
Ang hukbo ni Jehova;
Kristo’y kaisa,
Kanilang sigaw ay,
“Hari na si Jah.”
(Tingnan din ang Efe. 6:11, 14; Fil. 1:7; Flm. 2.)